-- Advertisements --

NAGA CITY – Tuluyan nang binawian ng buhay ang pinakaunang kaso ng COVID-19 sa Brgy. Pag-asa, Labo, Camarines Norte kung saan kinilala itong si Bicol PH No. 61.

Sa inilabas na impormasyon ng Provincial Health Office, kinumpirma nito ang pagkamatay ng naturang pasyente dahil sa Renal Kidney Failure at iba pang komplikasyon.

Kung maaalala, nabatid na ito ay isang 45-anyos na lalaki at sa inisyal na impormasyon, nakipag-inuman ito hanggang sa bigla na lamang nawalan ng malay kung kaya agad itong dinala sa ospital.

Isinailalim din sa swab testing ang pasyente at nagpositibo sa virus.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng naturang pasyente.