-- Advertisements --
Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na magiging mas marami pa ang makikilahok sa Overseas Absentee Voting (OAV), matapos ang unang araw na bahagyang matumal sa ilang lugar.
Ayon kay Comelec Comm. Rowena Guanzon, 1.8 million ang overseas voters na nagpatala noong nakalipas na registration period.
Karamihan sa OAV ay nasa Saudi Arabia, United States, Singapore at Hong Kong.
Habang ang ibang mga bansa ay minimal lang ang nagpatala dahil sa layo at hirap ng schedule.
Aminado naman si Guanzon na mabigat ang pasanin ng poll body dahil sa mga gastusin, habang hinihintay pa ang kompletong budget na nakapaloob sa 2019 General Appropriations Act (GAA).