Kaliwat kanang post sa social media ng mga larawan ni Eduardo “Eddie” Garcia, ang mga fans ng nasabing multi awarded actor.
Ito’y bilang paggunita sa 1st death anniversary ni Garcia ngayong araw, June 20.
May mga netizens din ang nangangamusta hinggil daw sa takbo ng kaso ng pagkamatay ni Tito Eddie, kung saan nakitaan ng paglabag ng Department of Labor and Employment ang GMA pagdating sa safety protocols tuwing taping.
Muli rin naungkat ang panawagang matuloy ang pagkilala kay Manoy bilang National Artist at maipasa ang Eddie Garcia Bill na layuning protektahan ang mga mangagawa sa pelikula.
June 8 noong nakaraang taon nang ma-comatose si Tito Eddie matapos mapuruhan ang cervical spine nang mapatid sa gitna ng taping.
Nag-agaw buhay ito sa intensive care unit ng ospital bago tuluyang pumanaw sa edad na 90, pagkatapos ng dalawang linggo.
Una nang inalala ng ilang direktor nitong mga nakaraang linggo ang mga alaala nila sa premyadong aktor.
Ayon kay Direk Joel Lamangan, isa pa ring malaking kawalan sa industriya si Manoy.
Hangad naman daw ni Direk Benedict Mique na OK lang kahit tahimik ang long time partner ni Garcia na si Lilibeth Romero.