CHICAGO, Illinois – Pumanaw na ang isa sa mga pasyenteng nagkaroon ng serious lung disease na iniuugnay sa paggamit nito ng vape.
Ayon sa Department of Public Health, ito ang unang kaso ng pagkamatay sa America na gumagamit lamang ng smoking alternatives.
Tumanggi muna ang health officials na ilabas ang pagkakakilanlan ng biktima, habang wala pang pahintulot mula sa pamilya nito.
Sinabi ni Illinois Public Health Department Director Dr. Ngozi Ezike na patunay ang pangyayaring ito na hindi rin ligtas ang vape o e-cigarettes bilang pamalit sa regular na uri ng sigarilyo.
“The severity of illness people are experiencing is alarming and we must get the word out that using e-cigarettes and vaping can be dangerous,” wika ni Ezike.
Nabatid na maraming kabataan ang nahihikayat na gumamit ng vape, sa paniniwalang wala itong panganib sa kalusugan. (CBS)