BAGUIO CITY – Nakahanda na ang kauna-unahang 2019 Pilipinas Para Games na gaganapin sa Benguet simula bukas, May 9.
Magsisilbing host ang Benguet sa first ever event ng country-wide para games para sa mga talentado at promising para-athletes sa buong bansa kung saan partnership ito sa Philippine Sports Association for Differently Abled at ng National Paralympic Committee of the Philippines.
Layunin ng paragames na makadiskobre ng mga bagong breeds ng mga talento na lalaban sa national at international level para sa mga kabataang differently-abled.
Napag-alaman na dumating na sa lalawigan ang Philippine Sports Commission-Pilipinas Para Games Technical Working Group.
Inaasahang lalahukan ng mga kabataang differently-abled mula sa 13 na bayan ng Benguet at ng Lungsod ng Baguio ang nasabing aktibidad na tatagal hanggang sa Sabado, May 11.