-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Ramdam na ng mga Pinoy sa Estonia ang pagbabago sa kanilang trabaho sa nasabing bansa.

Ito’y dahil nagsimula na kasi ang mga kompanya sa Estonia, ang pinakauna sa buong mundo na gumagamit na ng digital transformation, para maging virus-proof na bansa.

Sa ulat ni Star FM Bacolod international correspondent Betchelle Banal Sadam sa Estonia, sa loob aniya ng dalawang buwan na lockdown ay puro industrial technology works lang ang may operasyon.

Paghahanda ito upang matapos na ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Estonia kung saan umabot sa 1,774 ang naitalang kaso at 63 naman ang mga namatay.

Karamihan sa kanilang mga Pinoy ay nawalan ng trabaho ngunit hindi naman sila pinabayaan ng gobyerno.

Iminungkahi naman ng mga innovator at economists na ang Estonia ay kilalaning isa sa “best-prepared countries” para sa global COVID-19 pandemic kung saan sila ang unang bansang nakagawa ng digital government at sinasanay na ngayon ang mga tao na mamuhay online.