Nag-uumapaw sa kasiyahan si Karen Gallman sa kanyang pag-uwi sa Bohol, mahigit isang buwan mula nang tanghalin bilang 2018 Miss Intercontinental sa Pasay City.
Ayon sa 26-year-old half Australian beauty, overwhelmed siya ngayong nakauwi sa kanyang hometown sa Ubay kahit bukas ay nakatakda na ring bumalik sa Maynila.
Kanina ay isinagawa ang homecoming parade nito kahit bahagyang umulan, kung saan pinapayungan ito habang nakasakay siya sa maliit na float na pinaligiran ng mga lobo.
“It’s just so overwhelming. It’s always good to be back in Bohol,” ani Gallman sa boholchronicle.
Gumawa ng kasaysayan ang Boholana beauty queen bilang pinakaunang Pinay na nakasungkit ng Miss Intercontinental crown matapos ang 46 years.
Nabatid na Pinay ang ina ni Karen habang retiradong sundalo naman ng Australia ang kanyang ama at sila ay nag-migrate noong walong taong gulang pa lamang siya.
Pasado alas-3:00 ng hapon kahapon nang ito ay dumating sa Bohol-Panglao International Airport kung saan isang warm welcome ang sumalubong sa kanya.
Si Karen ang huling Binibini queen sa 2018 batch na sumabak sa international pageant, kung saan una nang nagwagi si Catriona Gray bilang Miss Universe.
Noong 2017 ay first runner-up ang pambato ng Pilipinas sa Miss Intercontinental sa pamamagitan ni Katarina Rodriguez.