-- Advertisements --
TUGUEGARAO CITY – Naniniwala ang pamunuan ng Police Regional Office (PRO)-2 sa kakayahan ng mga babae na pamahalaan ang kauna-unahang Mobile Force Company sa buong bansa na binubuo ng pawang mga kababaihan sa Santiago City, Isabela.
Sinabi ni PRO-2 Director, PBGen. Angelito Casimiro na ito ay kauna-unahan din sa kasaysayan sa PNP.
Ang Police Mobile Force Company ay nasa ilalim ng pamumuno ni PMaj. Jane Abegail Bautista.
Matatandaang naitala din sa kasaysayan ng PRO-2 ang pagbuo ng 2nd Mobile Force ng Quirino at ang pagtalaga ng kauna-unahang babaeng hepe ng PNP Tuguegarao.