KORONADAL CITY – Ipinagmamalaki sa ngayon hindi lamang ng kang pamilya kundi maging ng local government unit at mga residente ng Tulunan ang pinakaunang babaeng fighter pilot ng Philippine Air Force (PAF) na tubong North Cotabato.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Mr. Abraham Contayoso, Secretary to the Mayor ng Tulunan, malaking karangalan para sa kanilang bayan ang pagkakaroon ng kauna-unahang babaeng piloto ng Philippine Air Force o PAF sa katauhan ni 1Lt Jul Laiza Camposano na kasapi ng SINAGLAHI Class of 2015 at naka-assign ngayon sa 5th Fighter Wing sa Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga.
Ayon kay Contayoso, dating beauty queen din si Beran kung saan makailang beses din itong sumali sa mga kompetisyon sa kanilang bayan.
Dagdag pa ng opisyal, mga retiradong empleyado ng Munisipyo ang mga magulang ni Beran at saksi umano ang mga taga-Tulunan sa pagsisikap na ginawa ng kanilang pamilya upang maabot ang kanilang kinalalagyan sa ngayon.
Sakali umanong uuwi sa bayan ng Tulunan si Beran, hindi magdadalawang isip ang LGU na bigyan ito ng pagkilala.
Napag-alaman na si Beran ang ika-limang babae mula sa academy na makakatanggap ng Athletic Saber Award mula sa 170 na iba pang mga miyembro ng kanilang klase.
Nagtapos ito sa Military Pilot Training ng Philippine Air Force Flying School noong 2017.
Dumaan din sa tinatawag na fighter fundamentals at combat crew training sa AS211 ang babaeng piloto na itinuturing pre-requisite para maging fighter pilot.
Ang AS211 ang isa ka light combat aircraft ng PAF gagamitin sa pagpapatrolya sa West PHl Sea.