-- Advertisements --
Mainit na niyakap at sinalubong ng kaniyang coach at mga kasamahan ang triathlete na si John Chicano ng Pilipinas, matapos na makuha nito ang unang gintong medalya para sa bansa.
Nanguna si Chicano mula sa siyam na bansang naglaban-laban para sa nasabing event sa Subic Bay, Zambales.
Nagtapos siya sa oras na 1:53:23.
Si Chicano ay una nang nakakuha ng silver medal noong 2015 SEA Games.
Dahil sa saya, inikot nito ang fans na nais siyang makamayan.
Ibinalabal pa nito ang bandila ng Pilipinas kahit hinihingal pa mula sa katatapos na laban.
Samantala, si Kim Remolino mula pa rin sa Pilipinas ang nakakuha ng silver medal.