Pumanaw na ang tinaguriang First Muslim woman Senator na si Santanina Tillah Rasul.
Ayon kay Senate Spokesperson Arnel Bañas, namayapa ang dating mambabatas kahapon sa edad na 94.
Nanungkulan siyang senador mula noong 1987 hanggang 1995.
Si Rasul ang isa sa mga pangunahing nagsulong ng karapatan ng mga kababaihan, literacy at kapayapaan.
Naging ponente rin siya ng mahahalagang pieces of legislation, kabilang na ang Women in Development and Nation-Building Act (Republic Act No. 7192).
Ito ay para maalis ang gender discrimination at mabuksan ang Philippine Military Academy (PMA) maging sa mga kababaihan.
Ipinadeklara din niya ang Marso 8 bilang National Women’s Day sa pamamagitan ng Republic Act No. 6949.
Matapos ang kaniyang termino, ipinagpatuloy ni Rasul ang kaniyang advocacy work para sa literacy, peace at women empowerment.