-- Advertisements --
ganados catriona pia

BACOLOD CITY – Nanguna sa pagbibigay suporta ang mga advocacy queens na sina Pia Wurtzbach, Gazini Ganados, at Catriona Gray sa matagumpay na first-ever online concert ceremony ng the Philippine International AIDS Candlelight Memorial, bilang suporta sa mga lumalaban sa AIDS.

Kabilang sa mga nag-perform sa nasabing concert ay ang 4th Impact, si Ice Seguerra, The CompanY with special participation of Lea Salonga, Morissette Amon, Jed Madela at marami pang iba.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay OJ Mariano, myembro ng The CompanY, masaya silang mag tanghal na sa pamamagitan ng kanilang talento ay nakakapagbigay sila ng suporta sa mga biktima at dumadanas ng nasabing sakit lalo pa sa panahon ngayon ng Pandemic.

Nais nilang iparating sa lahat ng mga AIDS victims na huwag dapat mahiya o matakot na magpatingin at magpagamot sa doktor at huwag ding tumigil sa pagmamahal sa sarili dahil marami silang kakampi sa kanilang laban.