-- Advertisements --
Fidel Ramos

Inilunsad ngayon ng National Museum of the Philippines (NMP) ang kauna-unahang online Presidential Library bilang pagkilalak sa legacy ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, ang ika-12 pangulong ng bansa na namayapa noong Huylo 30, 2022.

Isinagawa ang launching sa National Museum of the Philippines building sa Manila na isinabay sa ika-95 kaarawan ni Ramos noong Sabado.

Ang FVR Presidential Library ay nagdodokumento sa buhay at liderato ni dating Pangulong Ramos bilang sundalo at statesman.

Layon ng nilalaman ng naturang dokumento na suportahan ang trabaho ng mga estudyante at scholars para ma-inspire ang mga henerasyon ng mga Pilipino sa buong mundo at magbigay ng kontribusyon sa chronicles ng international community.

Isinagawa ang conversion sa digital format sa tatlong phases at sakop nito ang mahigit 16,000 video tapes, nasa 10,000 documents na nakalagay sa 100 steel filing cabinets at mahigit 21,000 presidential photos.

Ang malawak na koleksiyon ng mga aklat at memorials ay naka-catalogue at nakahiwalay para sa donation sa mga piling select public schools, foundations at project partners.

Si dating Pangulong Ramos ay nagtapos sa West Point military academy sa United States noong 1950.

Ipinakita nito ang kanyang katapangan sa mga digmaan noong siya ay 2nd lieutenant ng Philippine Expeditionary Force to Korea (PEFTOK) sa kasagsagan ng Korean War.

Pinangunahan nito ang kanyang mga kasamahan para makubkob ang Eerie Hill, isang heavily fortified camp na okupado ng Chinese forces kasunod ng close quarter fighting.

Nag-volunteer din si Ramos noong Vietnam War bilang miyembro ng Philippine Civic Action Group at tumulong sa mga Vietnamese civilians na na-displace ng digmaan.

Naging Pangulo ito ng bansa mula taoong 1992 hanggang 1998.