Nananatili ang interes ni Maureen Wroblewitz na mula sa pagiging “2017 Asia’s Next Top” model, ay susubok naman siya sa mundo ng beauty pageant.
Pero ayon sa 22-year-old Filipina-German model, itutuloy niya lamang ang pagsali tulad sa Miss Universe Philippines ay kapag naramdaman niyang 100% na siyang handa.
“I am not so sure yet because this is the year, I’ve heard, that you have the least preparation time. I really want to be ready if I do join,” saad nito sa virtual media conference.
Dagdag nito na nais niya rin sa tamang panahon na maipahatid sa publiko ang kanyang mga plataporma para sa napiling advocacy.
Noong nakaraang taon nang tamaan ng “mild but very scary” Coronavirus Disease (COVID) ang pinakaunang Pinay na tinanghal bilang Asia’s Next Top model.
Naging usap-usapan din ang larawan nito dahil sa tila kiss mark daw sa bahagi ng kanyang tiyan, bagay na kanyang pinabulaanan at nilinaw na paso iyon mula sa clothing steamer.