Patuloy na pinapaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag magpakampante sa kabila ng kaunti lang ang naiulat na kaso ng Coronavirus Disease (COVID) ngayong Linggo, January 3.
Mula kasi sa 1,097 new infections nitong Sabado, 891 lang ngayong araw ang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Dahil dito, 477,807 ang kabuuang bilang ng COVID cases sa bansa base sa tala ng DOH kaninang alas-4:00 ng hapon.
Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” nakapagtala iniulat ng DOH ang 8,316 na gumaling sa sakit para sa ngayo’y 448,258 recoveries.
Tumaas naman sa 9,257 ang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ng apat na dulot ng respiratory illness.
Babala ng DOH, maging maingat pa rin dahil sa posibilidad na muling pagtaas ng bilang ng mga kaso sa mga darating na linggo na bunsod ng epekto ng holiday season.