-- Advertisements --
Mula sa 5,908 kahapon, bahagyang tumaas sa 5,966 ngayong araw ng Linggo ang bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.
Sa tala ng Department of Health (DOH) nitong alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 1,436,369 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.
Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 6,987 na bagong recoveries kung saan nasa 1,358,512 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.
Nasa 25,149 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong Linggo ng 86.
Kasabay ng unang Linggo ng Hulyo, kabuuang 52,708 ang aktibong kaso ng COVID sa Pilipinas.