-- Advertisements --

Nakahanda na ang kampo nina US President Donald Trump at Democratic nominee Joe Biden sa kanilang unang debate.

Gagawin ang una sa tatlong debate ng dalawa sa Cleveland dakong alas-9 a.m oras sa Pilipinas.

Isang uri ng socially distanced affair kung saan hindi magkaroon ng pakikipagkamayan ng dalawa dahil sa coronavirus pandemic.

Magiging moderator naman si Chris Wallace ng Fox News host kung saan limitado lamang sa 70 audience ang inimbitahan sa Case Western Reserve University.

Lahat aniya ng mga dumalo ay sumailalim sa COVID-19 testing at mahigpit na sinunod ang health safety protocols.

Tatakbo sa kabuuang 90 minuto ang debate na ang magiging paksa nila ay ang mga sumusunod: “The Trump and Biden Records”, “The Supreme Court”, “Covid-19”, “The Economy” , “Race and Violence in our Cities” at “The Integrity of the Election”.

Bawat segment ay tatagal ng 15 minuto kung saan bibigyan ng dalawang minuto ang bawat kandidato na sumagot ayon na rin sa ipinatupad na patakaran ng Commission on Presidential Debates.