-- Advertisements --
derrick white
Derrick White/ Photo courtesy of NBA

Binuslo ni Derrick White ang kanyang career-high na 36 points upang biguin ng San Antonio Spurs ang Denver Nuggets, 118-108, at masungkit ang 2-1 kalamangan sa kanilang first-round playoff series.

Hindi rin nagpapigil sina DeMar DeRozan na ipinasok ang 21 sa kanyang 25 points sa second half, at LaMarcus Aldridge na pumoste ng 18 points at 11 rebounds.

Kumayod ang Denver pagsapit ng second quarter kung saan mula sa 31-22 deficit ay kanila itong binaligtad sa 38-31 bentahe sa nasabing yugto.

Bumawi naman ang San Antonio sa pamamagitan ng 21-8 bomba para isara ang first half at hindi na kailanman pa lingunin ang Nuggets.

Pinamunuan naman ni Nikola Jokic ang Denver na pumoste ng 22 points, walong rebounds at pitong assists.

Sa San Antonio ulit ang Game 4, kung saan 3-0 ang Spurs kontra sa Nuggets ngayong season.