GENERAL SANTOS CITY – Sinunog ang umaabot sa mahigit 2.1 tonelada na pork at iba pang meat products matapos na nasabat sa National Highway sa Barangay Malungon Gamay, Malungon Sarangani Province.
Nakatakda sana itong i-deliver sa Koronadal City, Surallah South Cotabato at Tacurong City, Sultan Kudarat.
Na-intercept sa quarantine checkpoint ang mga meat products na nagmula umano sa Davao City kung saan may naiulat na kaso ng ASF outbreaks.
Nagkakahalaga ng P80,000 at pagmamay-ari umano ng isang negosyante sa Koronadal City.
Sa tulong ng Department of Agriculture(DA)-12, National Meat Inspection Service (NMIS)-12, Sarangani-Provincial Veterinary Office, DA-Agricultural Programs Coordinating Office Sarangani, Malungon Municipal Police Station at LGU- Malungon ay kaagad itong sinunog dahil pinangangambahan na kontaminado ng African swine fever (ASF).
Ayon kay Mayor Constantino, umiiral pa rin ang temporary ban sa pag-transport ng live hogs, pork and pork-related food products” paingon sa Sarangani gikan sa mga lugar nga apektado sa ASF outbreak sa Davao region.
Tiniyak nito na regular pa rin ang magiging inspeksyon sa checkpoint kahit pa nakatutok ang mga otoridad sa covid 2019.
Ang mga nasabat na meat products ay lulan sa delivery van na may food pass mula sa DA at iba pang concerned government agencies, kung nagbibigay ng access sa border checkpoints sa gitna ng coronavirus disease 2910 (Covid-19) pandemic.