-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni US President Donald Trump na malapit ng maapubrahan sa kongreso ang $2.2 trillion relief bill para sa naapektuhan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Sa isinagawang briefing sa White House, sinabi ng US President na malaking tulong ang nasabing pagbibili ng mga gagamitin ng mga healthworkers.
Inihalintulad niya ang mga medical equipment sa gamit pandigma na dapat magkaroon ng upgrade.
Bukod sa mga pagbili ng mga medical equipment ay gagamitin din ang pondo para pagbibigay ng tulong sa mga manggagawa na naapektuhan ng lockdown.