Maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang dalawa hanggang tatlong bagyo sa buwan ng Oktobre.
Batay ito sa pagtaya ng weather bureau ng Department of Science and Technology(DOST).
Ang mga naturang sama ng panahon ay maaaring magdala ng mga mabibigat na pag-ulan at malalakas na hangin na posibleng magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, inaasahang apat hanggang pitong bagyo ang papasok pa sa teritoryo ng Pilipinas bago matapos ang 2024.
Maliban sa 2 hanggang tatlong bagyo na tinatayang papasok sa susunod na buwan ay maaari kasing pumasok sa bansa ang isa hanggang dalawang bagyo sa buwan ng Nobyembre at isa hanggang dalawang bagyo rin sa buwan ng Disyembre.
Sa kasalukuyan, siyam na bagyo na ang pumasok sa PAR, ang pinakahuli ay ang bagyong Igme na dumaan sa dulong hilagang bahagi ng Pilipinas at ilang oras lamang na nanatili sa PAR.