-- Advertisements --

Nasa 2.3 million na mga mahihirap nating kababayan mula sa Regions 10, 22 at 13 ang makikinabang sa Barangay Development Program (BDP) mula sa 822 barangays na diniklarang cleared mula sa impluwensiya ng Communist Party of the Philippines (CPP) ng AFP at PNP mula nuong 2016 hanggang 2019.

Ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Ayon kay Sec. Año, matagal nang na-exploit ng CPP-NPA ang mga nasabing barangays dahil sa kakulangan ng mga basic services at development lalo na ang mga Indigenous People (IP) sa mga ancestral domain areas.

Nasa kabuuang P16.44 billion halaga ng Barangay Development Program (BDP) projects ang inilaan ng gobyerno sa mga barangays na dating kontrolado ng CPP-NPA.

Dagdag pa ni Año na ang bawat barangay ay makakatanggap ng P20 million allocation para sa kanilang respective development projects lalo na sa gagawing mga infrastructure ar non-infrastructure program categories.

Ayon naman kay DILG undersecretary at NTF-ELCAC spokesperson Jonathan Malaya, may gagawing stringent monitoring ang DILG para sa mga nasabing proyekto.

Una ng sinabi ni Monico Batle, hepe ng BDP na mahirap gamitin sa eleksiyon ang nasabing pondo ng mga local government units.