-- Advertisements --

NAGA CITY – Nakaramdam ng takot ang ilang taga-Camarines Sur matapos na maramdaman ang 2. 3 magnitude na lindol nitong hapon lamang.

Sa impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), alas-3:34 kanina lamang ng maitala ang pagyanig sa bayan ng Pili.

May lalim umano itong 32 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman rin ang nasabing pagyanig sa lungsod ng Naga na katabi lamang ng nasabing bayan.

Wala namang naitalang nasugatan o napinsala sa nasabing pangyayari.