-- Advertisements --
INFLATION RATE
Price Level and Inflation diagram (BSP)

Pinawi ng Malacañang ang pangamba ng publiko kaugnay sa 3.2 percent May inflation kung saan bumilis ng .2 percent ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, minimal lamang ang naitalang inflation rate increase at walang dapat ikaalarma.

Ayon kay Sec. Panelo, inihayag ng mga economic managers na ang nasabing May inflation rate ay resulta ng bahagyang pagtaas sa presyo ng agricultural products gaya ng gulay, isda, prutas, gayundin sa housing, tubig at utilities.

Nakadagdag din aniya sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang mataas na demand ng pagkain at alak noong campaign period, pagsipa ng presyo ng langis sa world market, at epekto ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura.

Pero kampante si Sec. Panelo na makakabawi rin at bababa ang presyo ng bilihin kapag humupa na ang mga nasabing factors o sanhi ng pagbilis ng inflation rate noong Mayo.

“The 3.2% inflation rate in the month of May per our economic managers is attributed to a slight increase in some agricultural food products like vegetables, fish and fruits, as well as in housing, water and utilities. The rise is within the 2.8 % to 3.6 % range estimated by the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hence there is no cause for alarm,” ani Sec. Panelo.