Lumago ng 2.5 percent noong Enero ang cash remittances ng mga overseas Filipinos na dumaan sa mga bangko.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang cash remittances para sa naturang buwan ay pumalo sa $2.688 billion mula sa $2.603 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Pinakamaraming cash remittances noong Enero 2022 ay nagmula sa Estados Unidos, Japan at Singapore.
Ang US ang siyang may pinakamalaking share sa overall remittance na papalo sa 41.2 percent para sa naturang buwan, na sinundan ng Singapore, Japan, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Canada, Taiwan, Qatar at Malaysia.
Ang combined remittances mula sa top 10 countries ay katumbas ng 79.6 percent ng total cash remittances sa parehong period.
Samantala, ang personal remittances naman ay lumago rin ng 2.5 percent sa $2.966 billion noong Enero mula sa Enero $2.895 sa kaparehong period.