-- Advertisements --
image 59

Makakatanggap ng tulong pinansiyal at bigas ang nasa 2.5 million mahihirap na residente ng Metro Manila sa susunod na dalawang linggo ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Bahagi aniya ito ng Malaya Rice Project ng Marcos administration kung saan makakatanggap ang bawat benepisyaryo ng tig- P1,000 at 15 kilo ng bigas na nagkakahalaga ng P500 hanggang P600.

Ang pagproseso ng naturang assistance ay aabutin aniya ng halos isang buwan.

Ipapamahagi ang naturang ayuda sa pakikipagtulungan sa 33 mambabatas sa mga rehiyon at kay DSWD Sec. Rex Gatchalian.

Ang bawat mambabatas ay naatasang tukuyin ang 10,000 mahihirap na residente kabilang ang senior citizens, solo parents at mga person with disability sa kani-kanilang mga nasasakupang lugar.

Sa oras aniya na makitang maagumpay ito, planong isagawa din ito sa iba pang mga lugar gaya ng Metro Cebu, Davao, sa malalaking lugar, maging sa mga rice producing areas at kalaunan ay sa buong bansa.