-- Advertisements --

Sa mga naghahanap ng trabaho sa health sector, magandang balita dahil inilunsad ng Department of Health (DOH) ang 3 araw na job fair mula Hunyo 18 hanggang 20, 2024 sa ikalawang palapag ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Tayuman, Maynila.

Ang departamento ng Kalusugan ay nagsasagawa rin ng mga regional job fair sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay DOH spokesperson Asec. Albert Domingo, mayroong humigit-kumulang 2,600 na bakanteng posisyon sa multiple salary grades at fields/disciplines ang iniaalok para sa aplikasyon sa buong bansa.

Ang mga lugar ng trabaho ay matatagpuan sa DOH Centers for Health Development at sa DOH hospitals and medical centers.

Ang naturang nationwide DOH job fair ngayong linggo ay bahagi ng serye ng mga aktibidad patungo sa ika-126 na pagdiriwang ng Anibersaryo ng Kagawaran sa Hunyo 23.