-- Advertisements --
2012 based1906f2xfgvl

Sa pambihirang pagkakataon muling naabot ng bansa ang pinakamabagal nitong inflation rate sa 2.7-percent ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Batay sa inilabas na datos ng PSA, nabatid na pinakamalaking contributor sa mabagal na paggalaw sa presyo ng produkto at serbisyo ang sektor ng pagkain at inumin sa 39.8-percent at 2.7-percent na annual rate.

Sinundan naman ito ng sektor ng housing, tubig, kuryente at gasolina na may 25.4-percent na ambag sa kabuuang inflation.

Habang pangatlo ang restaurant and miscellaneous goods na may 16-percent overall share.

Samantala, naitala ang pinakamataas na annual rate sa sektor ng kalusugan sa 3.7-percent, at recreation and culture sa 3.2-percent.

2012 based1906f3xfgvl

Paliwanag ni National Statistician Dennis Mapa, mababang halaga ng palay at mais ang sanhi ng mabagal na paggalaw sa presyo ng mga ito.

Pareho rin ang naitala sa presyo ng pamasahe at produktong petrolyo.

Pinaka-mataas na annual rate sa mga rehiyon ang natukoy sa Mimaropa sa 5.2-percent dahil sa ibinilis nito mula 4.7-percent noong Mayo.

Pinaka-mabagal naman sa mga rehiyon ang Zamboanga Peninsula region sa 0.7-percent.

Ito na ang pinaka-mabagal na inflation rate sa bansa mula September ng 2017 ayon sa PSA.

Noong Mayo, naitala ang inflation rate sa 3.2-percent.