-- Advertisements --

VIGAN CITY – Binunot at sinunog ng mga otoridad ang aabot sa P2.7 milyon na halaga ng marijuana sa pagitan ng Ilocos Sur at Benguet.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan mula sa Sugpon Municipal Police Station, pitong cultivation site na matatagpuan sa Sitio Nagawa, Brgy. Caoayan, Sugpon, Sitio Bekes, Bry. Tacadang, Kibungan, Benguet, Sitio Ogiye, Brgy. Tacadang, Kibungan at Brgy. Licungan ang sinalakay nga kapulisan.

Tumambad sa mga kinauukulan ang nasa 12,870 fully grown marijuana at 4,000 marijuana seedlings.

Wala umanong nahuling cultivator sa pitong lugar na sinalakay ng mga otoridad.