-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Presidential spokesperson Harry Roque na inaasahang karagdagang 2.8 million COVID-19 vaccine doses ang darating sa bansa ngayong linggo.

Sa press briefing ngayong araw sinabi ni Roque na 813,150 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer-BioNtech ang darating sa araw ng Miyerkules, August 11 habang nasa 2 million namang karagdagang Sinovac vaccine ang inaasahang matatanggap ng bansa sa araw ng Huwebes, August 12 na parehong binili ng gobyerno.

Nitong linggo, dumating sa bansa ang 326,400 Moderna vaccine.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, nasa mahigit 38 million COVID vaccine doses ang dumating sa bansa as of August 8 habang mahigit 11. 3 million o katumbas ng 10% ang fully vaccinated na sa bansa.