Hawak ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang itinuturong miyembro ng Abu Sayyaf Group na nahuli sa magkahiwalay na operasyon sa Quezon City at Maynila.
Ang mga suspek ay sina Julmain Mawan Ismael Maomar Timbao at Anwar Sabarul Mohotoh may mga alyas na Ibno Ayob at Ayyub.
Noong Hulyo 12 nang matimbog ang suspek na si Mohotoh ng NBI-Counter Terrorism Divison sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Quiapo, Maynila.
Mayroong standing warrant of arrest ang suspek dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagdukot noong 2002 sa anim miyembro ng Jehovas Witness.
Pinugutan pa ng mga suspek ang dalawa sa mga biktima noong August 20, 2002.
Huli naman sa Brgy. Culiat sa Quezon City si Julmain para din sa kasong kidnapping at serious illegal detention.
Nakakulong na ang dalawa sa NBI detention facility sa Maynila at nakatakdang ibiyahe sa Special Intensive Care Area ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City.