-- Advertisements --
Bong GO on OFWs
Senator Bong Go

Tumanggi munang magkomento sina Senators Ronald Dela Rosa at Christopher “Bong” Go sa ginawang pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Security of Tenure Bill.

Ginawa ng ng dalawang senador ang pahayag nang magtungo ang mga ito rito sa Kampo Crame.

Sinabi ni Go na ipinauubaya na niya sa Pangulo ang naging pasya nito.

Alam naman aniya ng Pangulo kung ano ang makabubuti para sa bansa at naniniwala siyang may mabigat na dahilan kaya niya iyon ginawa.

Para naman kay dating PNP chief Dela Rosa, pag-aaralan muna niya ang nasabing batas at titingnan niya kung ano ang kaniyang magagawa para makatulong sa sektor ng paggawa.