-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nahuli nang pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar ang limang katao na nagbebenta ng mga matataas na uri ng armas sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga suspek na sina Sgt. Elever Jay Anggot Soverano ng PNP-RCLO-BARMM, Sgt. Gleen Argones Sangyao, residente ng Barangay Poblacion Lebak, Sultan Kudarat; Cpl. Reynaldo II Dechavez Dichosa, nakatira sa President Quirino, Sultan Kudarat province, mga tauhan ng Philippine Army, ang mga sibilyan na sina Datu Morjan Kunakon Tumindig at Adams Tumindig, kapwa nakatira sa Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon kay Datu Odin Sinsuat chief of police, Lt. Col. Rommel Dela Vega na nagsagawa sila ng entrapment operation sa kuta ng mga suspek sa Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao katuwang ang militar.

Nang iabot na ng mga suspek ang mga armas ay doon na sila hinuli ng mga otoridad.

Narekober ng raiding team sa posisyon ng mga suspek ang mga matataas na uri ng armas na kinabibilangan ng isang 5.56 mm Bushmaster rifle, isang 5.56 AFP property rifle, M4 carbine, cal. .45 rock island, cal. .45 Colt, Glock 17 Gen 4 PNP property, Glock 17 Gen 4 AFP property, ZIGANA PX-9 cal. 9mm pistol PNP property, mga bala, mga magasin, cellphones, P500,000 boodle money at ID ng mga suspek.

Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng Datu Odin Sinsuat PNP at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.