CENTRAL MINDANAO – Animo’y may sakit at nanghihina nang matagpuan ang isang agila sa Barangay Amabel, Magpet, Cotabato.
Kwento ng mga bata, nakita nila ang agila sa sagingan at halos ay hindi na ito makalipad kaya pinulot nila.
Nang mapansin ng mga magulang ang kanilang mga anak na may dala ng ibon ay agad nila itong na-turnover sa mga opisyal ng barangay.
Samantala, isang agila rin ang nahuli at nailigtas sa Barangay Tawan-Tawan, M’lang, Cotabato.
Na-tnurn over ito ni Brgy Kagawad Julie Bernadas sa tanggapan ni M’lang MDRRM officer Bernard Tayong.
Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng probinsya ng Cotabato sa mga mamamayan na makakita o makahuli ng agila lalo na sa kabundukan sa paanan ng Mount Apo na agad i-turn over sa ahensya ng gobyerno na nangangalaga sa mga endangered species ng mga ibon sa bansa.