Darating na sa bansa ngayong March 27, 2017 ang dalawang air assets ng Philippine Navy ang TC90 na magagamit sa humanitarian assistance and disaster response.
Ito ang unang dalawasa limang aircraft na manggagaling sa bansang Japan na rerentahan ng pamahalaan.
Ayon kay Philippine Navy spokesperson Capt. Lued Lincuna na ang dagdag na assets na ito ay magpapalakas sa military capability sa aerial at maritime reconnaissance ng Philippine Navy.
Sinabi ni Lincuna na maliban sa pwede itong gamiting panghakot ng mga relief items sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad, pwede rin itong gamitin sa surveillance.
Sa ngayon may dalawang Navy pilots navy pilots at anim na navy airmen ang suma ilalim na sa pagsasanay sa paggamit ng TC90 aircraft noon pang Nobyembre ng nakalipas na taon.