-- Advertisements --

Dalawang Aklanon singer, wagi sa WCOPA na ginanap sa Long Beach, California, USA
Unread post by bombokalibo » Tue Jul 23, 2024 5:59 am

07/23/24
Akeanon: Dalawang Aklanon singer, wagi sa WCOPA na ginanap sa Long Beach, California, USA

KALIBO, Aklan—Nag-uwi ng mga medalya at plaque of awards ang dalawang Aklanon singer mula sa sinalihan na World Championships of Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa Long Beach, California, United States of America.

Sina Shyra Asister ng isla ng Boracay at Reigne Equiña ng bayan ng New Washington, Aklan ay nagwagi sa iba’t ibang kategorya kung kaya’t nasungkit ng mga ito ang gintong medalya at scholarship upang makapag-aral sa nasabing bansa.

Hindi inasahan ng mga ito na makilala ang kanilang talento sa pagkanta at mapabilang sa delegado ng Pilipinas.

Malaking karangalan ayon kay Asister na makatungtong sa international stage habang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas.

Nasa 67 talented Pinoy ang naging delegado ng Pilipinas na lumahok sa nasabing Olympics for Performing Arts.