KALIBO, Aklan—Nasungkit ng dalawang Aklanon Taekwondo athletes ang gintong medalya sa ginanap na 29th California Open International Taekwondo Championships 2023 sa El Camino College- North Gym sa Torrance, California, USA.
Kinilala ni Melvin Arboleda, Taekwondo coach ang mga manlalaro na sina Mayden Niverca, 19, residente ng Barangay Briones, Kalibo na lumaban sa kategoryang Senior Female Blackbelt sa light weight division over 49 to 52 kilogram sa Kyurogi Event at si Fyll Krystyl Xylyl Oliva, 16, ng Roxas Avenue, Kalibo sa kategoryang Junior Female Blackbelt sa fin weight division over 42 kilogram.
Aktibo aniya ang dalawa na nasabing sports kung saan, una silang napamayagpag at nakilala sa Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) meet hanggang sumali sa mga invitational event sa iba’t ibang bansa.
Sa katunayan aniya ni Arboleda noong 2019 World Peace Taekwondo Festival na ginanap sa Shinhan University sa Seoul, South Korea ay nasungkit ni Oliva ang tatlong gintong medalya habang tig-isang gold at silver medals naman ang napasakamay ni Niverca.
Maliban dito sa kaparehong taon din ay nag-uwi ng karangalan ang dalawa mula sa 9th Tirak Taekwondo International Championships na ginanap naman sa Bangkok, Thailand kung saan, si Oliva ay nanalo ng gintong medalya habang silver medal naman ang nasungkit ni Niverca.
Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ni Arboleda sa lokal na pamahalaan ng Kalibo at sa Aklan provincial government sa suporta na ipinaabot sa kanila dahil ang tagumpay ng dalawa ag dagdag sa kanilang naitalang record bilang atleta ng lalawigan at bansang Pilipinas sa nasabing larangan ng laro.