Naghain ng not guilty plea sa Biñan Regional Trial Court Branch 155 ang dalawa pa sa akusado sa hazing slay case sa Adamson University student na si John Matthew Salilig.
Ayon sa panel of prosecutors, umapela ng not guilty sina Armando Hernandez Jr. (Tyler) at Lester Sus (Biggie) para sa paglabag sa Anti-Hazing Law sa pamamagitan ng videoconference kahapon, Hulyo 26.
Nag-ugat ang naturang kaso mula sa inihaing reklamo nina Earl Justine Abuda or alias Bin Laden at Alexander Marcelo o alias Lee na kasama ni Salilig noon sa welcoming rites gayundin ang isinampang reklamo ng kapatid ni Salilig na si John Michael at neophyte sa fraternity group na si Roi Dela Cruz.
Inihain nina Abuda at Marcelo ang complaint laban sa 17 indibidwal habang ang reklamong nina Dela Cruz at John Michael ay inihain naman laban sa 11 indibidwal at isang nagngangalang Mcgregor.
Samantala, ipinagpaliban naman ang pagbasa ng sakdal kay McGregor sa agosto 16 matapos na maghain ito ng motion for reconsideration.
Ayon sa prosecutors maramin sa mga akusado ang nakatakda pa lamang ang arraignment dahil nananatiling at large ang mga ito.
Matatandaan na noong Pebrero 28, natagpuan ang bangkay ni Salilig sa mababaw na hukay sa Imus, Cavite 10 araw matapos itong mapaulat na nawawala.
Nabunyag kalaunan na dumalo sa welcoming rites para sa Adamson chapter sa Binan, Laguna si Salilig na miyembro ng Tau Gamma Phi chapter sa Zamboanga.