CENTRAL MINDANAO – Nagkakahalaga ng P43,000 ang nakulimbat ng isang mangloloko sa bayan ng Tulunan, Cotabato.
Tumawag umano ang nagpakilala na si Tulunan Mayor Reuel “Pip” Limbungan sa may-ari ng Agot Parks Place umorder ng pagkain at nagpa-load pa ng P40,000.
Na-loadan ang nagpakilalang si Mayor Limbungan at sa bandang huli nadiskubre na naloko lang pala ang negosyante.
Mismo ang asawa ni Limbungan ang nagsabi na hindi sila umorder ng pagkain at nagpaload.
Pangalawang ginamit ang pangalan ni Arakan Cotabato Mayor Rene Rubino na umorder ng milk tea at burger ang suspek.
Ngunit itoy natunugan ng may-ari at kasama nito na kilala ang boses ni Mayor Rubino na modus ang ginawa ng suspek.
Matatandaan na unang na biktima ng mga mangloloko si Kabacan Mayor Herlo Guzman kung saan ginamit rin ang kanyang pangalan para umorder ng pagkain at magpaloob ng malaking halaga.
Sa ngayon ay inalerto na ng pulisya ang mga alkalde sa probinsya o indibidwal na posibling mabiktima ng mga modus ng mga suspek.