KORONADAL CITY – Hindi pa umano pormal na natatanggap ng mga 2 alkade sa South Cotabato ang show-cause order mula sa tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung bakit nauna silang nabakunahan sa mga itinuturing na priority list.
Ang nasabing mga alkalde ay sina Mayor Sulpicio Villalobos ng Sto. Nino, South at Mayor Dibu Tuan ng bayan ng Tboli.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Mayor Villalobos, hindi pa umano niya pormal na natanggap ang show-cause order ngunit hinihintay nito upang porma na siyang makasumite nga paliwanag.
Nanindigan naman si Villalobos na walang masama sa kanyang ginawa dahil ipinakita niya lamang na safe ang bakuna upang hindi na matakot ang mga mamamayan sa kanilang lugar na magpabakuna laban sa COVID-19.
Samantala, hindi pa nagpalabas ng kanyang mensahe si Mayor Tuan sa nasabing balita.
Napag-alaman na noong Marso 19 pa nitong taon nabakunahan ang nasabing mga opisyal.