Dalawang amason na sugatan dahil sa bakbakan, nahuli sa Butuan City
BUTUAN CITY – Kinumpirma ni 2LT Paoula Andrea Ledesma, Civil Military Operation o CMO Officer sa 23rd Infantry Battalion, Philippine Army na dalawang amasona o babaeng rebelding New People’s Army o NPA na mga sugatan ang kanilang nahuli matapos ang engkuwentro sa Purok-5, Barangay Bitan-agan, Butuan City sa nakaraang araw.
Nakilala ang mga rebelde na sina Dangga Ayuma Huliao na may alyas Senyang/Mara/Mekay, na siyang Medical Staff sa Headquarters Force NEO sa NCMRC at residente sa So. Roa-Roa, Brgy. Umagos, Lagonglong, Misamis Oriental; at si Mylene Odayao Domino alias Mayan, Miyembro sa Platoon 2, SRSDG Sagay, SRC3, NCMRC, na residente sa Brgy. Agsabu, Esperanza, Agusan del Sur.
Ayon sa opisyal na ginagamot na ang dalawa sa Agusan Del NOrte Provincial Hospital matapos mahuli sa 50 metro ang layo galing sa encounter site.
Iniwan umano sa kanilang kasamahan ang mga ito na siyang mag tig-iisang tama sa bala sa likurang bahag ng katawan ngunit wala nang baril.
Sa ngayon ay patuloy ang hot pursuit operation laban sa tumakas na mga rebelde.
Ang nasabing sagupaan ay ang sumunod sa bakbakan rin sa Sitio Calaitan, Brgy. Simbalan, Buenavista, Agusan del Norte noong Enero 16 na humantong sa pagkamatay sa dalawang rebelde.