Ibinunyag ni Venezuelan President Nicolas Maduro na mga “mercenaries” ang dalawang Americans na kanilang naaresto.
Ayon sa Venezuelan President, kasama ang dalawang suspek sa nagtangkang magpatalsik sa kaniya.
Miyembro umano ang dalawa ng Silvercorp isang Florida-based security services company.
Inakusahan pa niya ang dalawa na tila nag-ala “Rambo” sa bigong pag-atake at pagpapatalsik sa kaniya.
Hindi namna itinanggi ng CEO ng Silvercorp na si Jordan Goudreau na kasama niya ang dalawang kinilalang sina Airan Berry at Luke Denman.
Inilunsad ng grupo ng dalawa ang “Operation Gideon” na ang ibang mga kasamahan ng mga ito ay napatay sa operasyon.
Ang dalawa ay dating miyembro ng Special Forces.
Mariing itinanggi naman ni Juan Guaido ang kinikilala ng maraming bansa na interim president ng Venezuela na siya ang nasa likod ng pagpapatalsik kay Maduro.