CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang magkapatid sa nangyaring pagnanakaw sa tahanan ng isang school principal sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga biktima na sina Crizzle Gwynn Maguad 18 anyos at Crizzule Luois Maguad 16, na mga residente ng Purok San Isidro Barangay Bagontapay M’lang Cotabato.
Ayon kay M’lang Chief of Police Lieutenant Colonel Realan Mamon na pinasok ng tatlong magnanakaw ang tahanan ng pamilya Maguad.
Wala ang mag-asawa dahil may mahalagang pinuntahan kung saan ang ina sa General Santos City habang nasa trabaho ang ama.
Tanging ang dalawang anak nito at pinsan nila ang naiwan sa kanilang tahanan.
Kinuha ng mga suspek ang mga nakatagong pera, alahas at ibang mahahalagang bagay sa loob ng bahay.
Brutal pa na pinatay ng mga suspek at dalawang biktima bago ito tumakas.
Nakaligtas naman si Janice Sebial Emuelin ,17 anyos, pinsan ng mga biktima na nagtago sa kwarto at nakapagpost ng tulong sa Facebook kaya nagresponde ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at pulisya ngunit nakatakas na ang mga suspek
Samantala, magbibigay ng P200,000 na reward money ang Sangguniang bayan sa pamamagitan ni Vice Mayor Joselito Piñol sa makakapagturo sa posibleng mga suspek sa insedente.
Hustisya ang sigaw ng pamilya at kaanak sa karumal-dumal na pagpatay sa magkapatid.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng M’lang PNP sa naturang pangyayari.