-- Advertisements --
Hati pa rin umano ang panindigan ng pamilya Trump kung saan pinayuhan ito ng kaniyang manugang at senior adviser na si Jared Kushner pati na si First Lady Melania Trump na tanggapin ang kaniyang pagkatalo.
Ang dalawang anak naman ng US President na sina Don Jr. at Eric Trump, ay pinipilit siyang ipatuloy ang kaniyang laban.
Nag-uudayok daw ang mga ito sa mga kaalyadong Republican sa ‘wag kilalanin ang panalo ni President-elect Joe Biden.
Nauna nang sinabi sa isa sa mga kaalyado ni Trump na si Republican at dating presidential candidate Senator Mitt Romney na wala siyang nakikita laganap na pandaraya sa katatapos lamang na halalan sa Amerika.