-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Dalawa ang naitalang nasaktan sa naganap na sunog sa tatlong bahay sa Mabini Street, District 1, Cauayan City.

sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Chief Inspector Aristotle Atal, City Fire Marshall ng BFP Cauayan City, sinabi niya na umabot pa sa ikalawang alarma ang naturang sunog ngunit dahil maagang naitawag sa kanila ang sunog ay kaagad silang nakatugon .

Aniya, kinailangan nilang itaas ang ikalawang alarma ang sunog.

Walong fire trucks ng BFP Cauayan BFP Luna, BFP Reina Mercedes, Fire volunteers at rescue 922.

Batay sa kanilang pagsisiyasat, ang sunog ay nagsimula sa likurang bahagi ng family house na pag-aari ni Ginang Hilda Oliveros.

Tuluyang namang natupok ng apoy ang dalawang bahay na pagmamay-ari ng kamag-anak ni Ginang Oliveros

Hindi na ligtas na pasukin ang bahay ni Ginang Oliveros dahil may posibilidad na bumagsak ang palapag matapos na masunog ang flooring na gawa sa kahoy.

Samantala nakapagtala ang BFP ng dalawang Injured matapos na magtamo ng sunog sa daliri ang isang BFP personnel habang nagtamo rin ng sunog sa katawan ang isang boarder ni Ginang Lolita Oliveros na si Ginoong Jesus Talavera.

Susuriin din ng BFP Cauayan City kung mayroong business permit ng naturang pamilya matapos matuklasang nag-iimbak at bumibili ng mga karton.

Sakaling mapatunayang walang business permit ay handa ang BFP na magbigay ng warning sa nasabing pamilya.