-- Advertisements --

LAOAG CITY – Dead-on-the-spot ang dalawang lalaki at tatlo naman ang sugatan kabilang na ang isang menor de edad matapos bumangga ang kanilang sinakyang kulong-kulong sa Florida Bus sa Brgy. 18, Magnuang, Batac City, Ilocos Norte.

Nakilala ang mga biktima na si Jonathan Parbo, 40 taong gulang at si Jomar Castillo, 20 taong gulang, habang ang mag sugatan ay sina Dun Cardenas, Mary Chris Pareja at isayang siyam na taong gulang, para-parehong residente sa Brgy. Pimentel sa nasabing lungsod.

Ang driver naman ng bus ay nakilala na si Luis Barroga, 60 taong gulang, at residente naman sa Barangay 27 dito sa lungsod ng Laoag.

Ayon kay Police Lt. Col. Adrian Gayuchan, ang chief of police ti Philippine National Police sa Batac City, mabalis umano ang takbo ng kulong-kulong na nag-overtake sa dalawang malalaking sasakyan ngunit hindi agad nakabalik sa kanyang linya dahilan para mabangga ng bus na nakasalubong.

Dahil sa insidente, tumama ang dawala sa concrete pavement na dahilan ng kanilang agarang kamatayan habang ang tatlong kasamahan ay tumilapon sa kalsada at nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng kawatan.

Sinabi nito na bago ang insidente, nagmamadali umano ang mga biktima na pumunta sa Barangay Tabug dahil naaksidente rin ang asawa ng isa sa mga nasugatan ngunit hindi na nakarating dahil sa pangyayari.

Hinggil dito, ang mag-inang sugatan ay lalabas mula sa Intensive Care Unit sa Mariano Marcos Memorial Hospital ang Medical Center ngayong araw.

Samantala, sinabi nito na lumalabas sa kanilang imbestigasyon na ang mga biktima ang may kasalanan at hindi na rin magsasampa ng kaso ang pamilya ng mga ito kung saan tutulong rin ang bus company sa mga gagastosin.