-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang isang 2-anyos na aki habang nagpapalutang-lutang matapos sa Daet River sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, napag-alaman na habang naglalaba ang ina ng biktima na kinilalang si Jinelen Pabit, 37-anyos, residente ng Purok 4, Brgy VI, sa nasabing lugar, hindi umano nito napansin ang kanyang anak na nakarating sa nasabing ilog.

Makalipas umano ang ilang oras saka lamang nito napansin na nawawala ang kanyang anak kung kaya agad naman niya itong hinanap kung saan itinuro naman ng isa pang menor de edad na nagpapalutang-lutang na ang kanyang anak sa ilog at wala nang buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman din na dinala pa sana sa ospital ang biktima ngunit ideneklara na rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.