-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hindi na nakaligtas ang 2-anyos na bata matapos itong matangay sa biglaang pagbaha sa Sitio Casangayan, Barangay Pangaylan-IP, bayan ng Santiago, Agusan Del Norte.

Sa eksklusiong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Sangguniang Bayan Member Sulpicio Dedumo na wala umanong ilog sa tinirhan ng pamilya ngunit nitong nakalipas na Pasko ay biglang pinasok ng tubig-baha ang kabahayan sa kanilang lugar at natangay ang 2-anyos na bata na wala ng buhay nang makita.

Inihayag naman ni SB Member Dedumo na patuloy ngayon ang kanilang pagmo-monitor kasama ang pulisya at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection lalo na sa lugar na daling bahain sa ganitong panahon.

Kasama sa kanilang binabantayan ang mga Brgys. E . Morgado na may 4 na pamilyang lumikas kasama na ang Lapaz at Tagbuyakan dahil sa malaking source ng tubig, ang Lake Mainit at Calinawan River.