-- Advertisements --
image 539

BUTUAN CITY – Emosyunal na kinilala at niyakap ng kanyang kuya ang natagpuang batang lalaki na napadpad sa tulay ng Sitio Tagpulangi, Brgy. Dulag, Butuan City matapos ang ilang araw na paghahanap.

Nakilala ang biktima na si Jake Kobe Roem Bito, 2-anyos, residente ng Brgy. Poblacion, sa bayan ng Las Nieves, Agusan del Norte.

Matatandaang kaagad na dumulog sa Las Nieves Municipal Police Station ang ka-anak ng biktima matapos itong huling makita nitong Marso a-19 dakong alas-tres ng hapon.

Sa inisyal na pahayag ng kuya ng biktima, sinadya umano ang pagkuha ng kanyang bunsong kapatid sa isang lalaking may deperensya sa pag-iisip at gidala sa pump boat hanggang sa hindi na nakita pa.

Nag-offer pa ng P10,000.00 reward ang pamilya, maibalik lamang si baby Kobe hanggang sa nakita na lamang itong wala ng buhay at nasa state of decomposition na.