-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Kaagad na namatay ang dalawang taong gulang na paslit matapos masagasaan ng sasakyan na minamaneho ng isang pulis sa Lungsod ng Dagupan.

Kinilala ang batang biktima na si Leemar Jazz Ruiz, residente ng Barangay Uno sa nasabing siyudad; habang ang pulis na nakabangga dito ay si P/Chief Master Sgt. Jobert Kalano, 46-anyos na residente naman mula pa sa Ilocos Norte.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Dagupan-Philippine National Police na habang nagmamaniobra ang pulis, napansin nitong mayroon siyang nasagasaan.

Nang bumaba ito sa kanyang sasakyan ay tumambad sa ilalim ang menor de edad na biktima.

Isinugod pa ito sa pinakamalapit na pagamutan para malapatan ng paunang lunas ngunit idineklarang dead on arrival.